Si Rapunzel at ako!

Bawat taon sa pagsapit ng Pasko ay nakakatanggap tayo ng mga regalo at ilan doon ay talagang masosopresa tayo. Gusto kong pasalamatan ang isa sa kasama ko sa trabaho sa isang hindi inaasahang regalo na nagbalik sa akin ng kasiyahan ng aking Kabataan. Tuwang-tuwa ako sa binigay nyang libro tungkol sa buhay ni Rapunzel.

Isa sa hindi ko malilimutang bahagi ng aking Kabataan ay ang mga panahong ikinukwento sa akin ng ate ko ang buhay ng isang babae na nakatira sa itaas ng tore. Gamit ang ballpen at papel, na kadalasan ay ang likod ng notebook nya, ay isa-isang dino-drawing ng ate ko ang eksena sa kwento. Ang bawat salita ay may katumbas na mga malikhaing linya na syang nagpapakita ng bawat kaganapan. Mula sa kagubatan, sa tore, hanggang sa mahaba at ginintuang buhok ni Rapunzel. Para sa akin, ito ang pinakamagandang kwento sa lahat.

Iba ang dating sa akin ng konsepto ng mahabang buhok at ng mataas na tore. Hindi ko nga gaano pinapansin ang pagdating ng prinsipe dahil mas malikot sa  isipan ko kung gaano ba talaga kahaba ang buhok nya? Paano nya to naalagaan? at Paano nya nakakaya na lambitan ang kanyang buhok? Hindi ko nalaman ang sagot pero patuloy pa rin ang paghanga ko sa kwento.

Alam kong gustong-gusto ko ang Rapunzel kasi lagi ko syang nababanggit. Kung tatanungin mo ako kung anong libro ang gusto kong basahin, ito ang sasabihin ko. Noong eight years old ako, niregaluhan ako ng tita ko ng Rapunzel book na coloring book na rin. Ang saya-saya ko talaga –  siguro umabot din ng 2 taon ang libro na yun dahil talagang inalagaan ko.

Lumipas ang maraming taon, nalaman ko na fairytale lang si Rapunzel at naiba na ang takbo ng buhay ko. Pero alam ko pa din na favorite ko si Rapunzel. Kaya ganun na lang ang tuwa ko ng inilabas ng Walt Disney ang pelikulang Tangled. Syempre, sinigurado ko na isa ako sa unang nakapanood ng 3D version. Iba man ang naging daloy ng kwento sa ‘Tangled’ eh para pa rin akong bata na namangha sa pagsasabuhay kay Rapunzel.

At ngayon dahil sa librong iniregalo sa akin ay muling nagbalik ang mga panahon na ako ay masayang-masaya dahil naririnig ko ng paulit-ulit ang kwento ng babaeng may mahabang buhok. Ilan sa mga simpleng kasiyahan ko sa buhay.

1387947437299

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s